Kung dati ay heavy flow ang period, bakit mahina ang menstruation ko ngayon kaysa noong nakaraan? Alamin ang dahilan sa pagbabago ng menstruation.
Siguro nagtataka dahil bakit parating malakas ang buwanang dalaw mo samantalang ang iba ay bakit mahina ang menstruation? Ang unfair ‘di ba?
Normal Ba Ang Isang Araw Na Menstruation Alamin Ang Katotohanan title=Ilang Araw Tumatagal Ang Regla Ng Babae? style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS2P_kYh7hUSO2loAx17UupGR3XAodjXEZmR8Lcos9LNPvqiwcMaf352cqYRX7le6jUWKM&usqp=CAU'; />
Samahan mo pa ng mood wings at masakit na puson! Ngunit para malinawagan, narito ang 10 karaniwang dahilan kung bakit mahina ang menstruation ng isang babae kaysa sa normal.
White Mens Bago Ang Regla: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?
Mahirap (na may kasama pang sakit) ang malakas na daloy ng menstruation, kaya’t nagpapasalamat ang ibang babae kapag mahina lang ang buwanang dalaw. Pero alam niyo ba na maaaring sintomas ito ng problema sa reproductive system?
Ayon sa librong Woman Code ni Alisa Vitti, kapag ang regla na dati ay malakas ay biglang naging mahina at halos ga-patak na lang, dapat na kumunsulta sa isang OB GYNE para malaman ang sanhi.
Sa kanilang librong Clinical Methods: The History, ysical, and Laboratory Examinations, ipinaliwanag nina Dr. Henry Kenneth Walker, MD at Dr. John Willis HurstIt’s, MD na mayrong 10 posibleng dahilan kung bakit mahina ang menstruation ng isang babae:
Safe Ba Makipagsex After Menstruation: Fertile Ba Sa Panahon Na Ito?
Hindi alam ng iba na naaapektuhan ng pagbigat ng timbang o labis na pagbawas ng timbang ang regla. Kapag labis ang pagbabago sa timbang at nutrisyon na natatanggap ng katawan.
Minsan ay nagiging sanhi ito ng kakaunting daloy ng regla. Kailangan kasi ng katawan natin ng balanse ng protina, carbohydrates, fats, at iba’t ibang vitamins para maging maayos at normal ang sistema natin, ayon pa din sa Woman Code.
Kapag sobrang payat, o di kaya ay sobra naman ang body fat percentage, naaapektuhan ang kalidad ng menstruation dahil hindi maayos ang function ng hormones.
Gaano Dapat Katagal Ang Normal Menstrual Cycle?
May mahalagang koneksiyon ang wellbeing ng isang babae sa produksiyon ng hormones ng katawan. Kaya kung stressed ka—sa trabaho o sa personal na aspeto, o mas malala pa, kung nakaranas ng pagkawala ng mga taong malapit sa buhay mo.
Posibleng pati ang menstruation mo ay mawala sa ayos. Pati ang pisikal na stress tulad ng labis na pag-eehersisyo ay nakakaapekto sa regla, kaya’r posibleng humina ito.
Itanong sa OB GYN mo kung ang birth control pill na iniinom mo ay posibleng nakakaapekto sa paghina ng regla. May mga birth control pills na nirereseta ng mga OB GYN para ma-regulate ang napakalakas ng daloy ng regla. Kung birth control pills nga ang sanhi ng paghina, walang dapat ikabahala.
Mga Dahilan Ng Naantala Na Pagreregla O Delayed Period
Isang simpleng dahilan ay ang pagbubuntis. May mga babae kasing hindi pa kaagad napapansin o nalalaman na buntis na pala dahil nga may regla pa din, mahina nga lang.
Ito and tinatawag na implantation bleeding, ayon kay Dr. Seema Samath, MD, Obstetrician and Gynecologist ng Aster Clinic Dubai. Normal lang na magkaron ng bahagyang pagdurugo kapag ang fertilized egg ay napunta na sa lining ng uterus.
Posible ding ectopic pregnancy ang kondisyon, kaya ang dugo ay mahina at hindi tulad ng normal na regla. Kaya nga mahalagang kumunsulta sa doktor para malaman kung buntis o hindi.
Kailan Ako Rereglahin? At Iba Pang Tips Tungkol Sa Buwanang Dalaw
Kapag maraming dugo ang nawala sa iyo, kulang din sa oxygen ang iyong sistema, ayon pa sa librong Woman Code. Naaapketuhan ang produksiyon ng hormones, kaya apektado ang menstrual cycle. Karaniwang solusyon dito ay hormone replacement therapy.
Kung ikaw ay nagpapasuso ng sanggol pagkapanganak, maaaring hindi muna magbabalik sa normal ang menstrual cycle. Ang milk production hormone kasi ay nakakahadlang sa ovulation at nakakapagpa-antala ng pagdating ng regla.
Maaaring abutin ng ilang buwan pa bago magbalik sa dating schedule ang menstruation. Tandaan lang na maaari pa ring mabuntis kahit hindi pa bumabalik ang regla habang nagpapasuso ng sanggol.

Ano Ang Mga Dapat Malaman Sa Irregular Menstrual Cycle?
Nag-o-ovulate na kasi ang babae 2 linggo bago ang unang post-natal menstruation. Kaya’t kung posibleng buntis ka at may spotting, mabuting mag-pregnancy test para makumpirma kung buntis nga, payo ni Dr. Samath.
Ang thyroid gland sa leeg ay naglalabas ding ng hormones na may kinalaman sa temperatura at digestion. Kapag sobgrang aktibo ng thyroid, o may tinatawag na hyperthyroidism, labis ang produksiyon ng thyroid hormones, na maaaring makaapekto sa puso, blood pressure, muscles, at iba pa.
Ang mahinang menstruation o di kaya ay tuluyang hindi nagkakaron ng regla sa inaasahang petsa, sintomas ng hyperthyroidism. Kapag napapansin na lumalaki ang thyroid, kasama ng mahinang regla, kumunsulta kaagad sa doktor.
Spotting Bago Ang Regla: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?
Kung ikaw ay sumailalim sa raspa o dilation and curettage (D&C) procedures at nakakaranas ng mahinang regla, maaaring may sugat sa uterus.
Minsan ay nagkakadikit-dikit ang uterine wall dahil nga sa pagkasugat, kaya’t nagiging sanhi ng mahinang regla. Kakailanganin ng operasyon para matanggal at maayos ang scar tissue.
Maaaring ito ay polycystic ovary syndrome (PCOS), o di kaya ay cervical stenosis. Ang PCOS ay ang labis na produksiyon ng androgens, o male sex hormones.
Bakit Mahina Ang Menstruation? Heto Ang Mga Posibleng Maging Dahilan
At ang hormonal changes na ito ay nakakaapekto sa regular na menstrual cycle, at nakakahadlang sa ovulation. Ang cervical stenosis naman ay isang rare na kondsiyon kung saan ang cervix ay nagsasara kaya’t hindi nailalabas ang regla mula sa uterus.
Kung makalabas man, sobrang kaunti o ga-patak lang. Isang karaniwang sintomas ng dalawang kondisyong ito ay ang labis na pananakit ng puson kasama ng light flow ng regla.

Ganoon na ba ako katanda? Tulad ng sinasabi ng iba, ang edad ay numero lang. May mga pisikal na pagbabago sa katawan, oo, pero hindi ibig sabihin ay wala ka nang magagawa.
Sintomas Ng Delayed Menstruation
Isang sintomas ng nagbabadyang menopause ay ang bigla na lang paglakas ng regla ng ilang buwan, pagkatapos ay bigla namang sobrang hina sa mga sumunod na buwan.
Hormonal imbalance ang pangunahing sanhi nito. Kasama sa edad ang pagbabagong ito, pero hindi ibig sabihin ay hindi ka na puwedeng mabuntis.
Kung ikaw ay gumugugol ng mas maraming enerhiya sa pag-eehersisyo kaysa sa pagkain, maaaring mag-suffer ang reproductive at cardiovascular health. Sa katagalan ay mapapansin ang pagbabago sa regla mula sa normal hanggang sa patak-patak.
Ilang Araw Tumatagal Ang Regla Ng Babae?
Ang estrogen at progesterone ay may malaking kinalaman sa iyong menstrual cycle. Kung ito ay hindi balanse, nakakaapekto ito sa daloy ng iyong regla.
Halimbawa, ang estrogen ang namamahala sa lining ng iyong matris. Kaya’t kung mayroon kang mas mababang antas ng hormone na ito, ang iyong lining ay maaaring hindi sapat na lumapot upang ikaw ay magkaroon ng isang normal na regla.
Ang premature ovarian failure o primary ovarian insufficiency ay nangyayari kapag ang mga babae ay nawalan ng normal na ovarian function bago ang 40 taong gulang, ” paliwanag ni Dr. Lakeisha Richardson, MD, isang ob-gyn sa Greenville, Mississippi.
Blood Loss During Period: Gaano Karami Ba Ang Normal?
Kung ang iyong mga ovary ay hindi gumagana nang tama, hindi sila gagawa ng tamang dami ng estrogen o maglalabas ng mga itlog kapag sila ay dapat, na maaaring humantong sa pinaikling at hindi regular na mga cycle.

Kung minsan ang iron deficiency ang dahilan kung bakit nakakaranas ng patak patak na regla. Siguraduhing nagpapa-test ng ferritin o iron storage at red blood cells upang malaman kung ikaw ay may anemia.
Ang menstruation ng bawat babae ay iba-iba at unique. May mga regular at sakto ang petsa ng dating nito, meron namang kada buwan ay paiba-iba at minsan ay lagpas pa ng 40 araw ang pagitan.
Bakit Mahina Ang Menstruation Kaysa Sa Normal? Ano Ang Dahilan?
Ang doktor ang makakapagsabi kung ano ang mga posibleng dahilan ng mahinang regla, at kung kailangan ng mga medical tests para malaman kung ano talaga ang dahilan at kung ano ang maaaring gawing paggamot, paliwanag ni Dr. Samath.
Ang dapat tandaan ay hindi dapat ikabahala kung bakit mahina ang menstruation pero hindi rin dapat ipagsawalang bahala ang anumang pagbabago sa cycle. Mas mainam na ilista o tandaan ang petsa at bilang ng araw ng bawat menstruation cycle para alam agad kung may malaking pagbabago mula sa “normal.”
Dito sa theAsianparent ilippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent ilippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Period Headaches: Causes, Symptoms, And Treatment
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing, to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.
Bawat babae ay nakakaranas ng menstruation o buwanang dalaw kapag dumating na siya sa tamang edad. Ang pagreregla ay normal na kondisyon ng katawan kung saan may buwanang pagbabago na nagyayari sa reproductive system ng isang babae. Ikinababahala lamang ito kung napapansin na hindi normal ang pagdating nito, dami, at mga epekto na maaaring kasama ng menstrual period.
Importante munang malaman ang iba’t ibang parte ng female reproductive system bago masagot ang mga katanungan tungkol sa pagreregla. Ang mga parte ng sistemang ito ay ang fallopian tubes, ovaries, uterus o matris, cervix, at vagina o ang mismong ari.

Buo Buong Dugo Sa Menstruation: Bakit Nangyayari Ito?
Ang lining ng uterus na tinatawag na endometrium ay magkakaroon ng mga pagbabago na dala ng mga epekto ng hormones na nanggagaling sa ovaries na tinatawag na progesterone at estrogen. Kung hindi buntis ang isang babae, ang lining na ito ng uterus ay tutulo bilang regal o menstrual blood.
Walang standard na masasasabing normal na menstrual cycle dahil hindi Ito pare-pareho sa bawat babae. Ang kadalasang saklaw ng menstrual cycle ay mula 21 hanggang 35 days. Ang
Walang komento