“Halikayo, Sir, dali, may malaking bulaklak, ang laki-laki ang ganda-ganda, kakaiba”, ang sabi ng sabik na guide ni Joseph Arnold noong nangongolekta siya ng mga halaman sa islang Sumatra sa Indonesia.
Ang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo ay ang Rafflesia Arnoldii, naisinunod sa pangalan nina Joseph Arnold at Sir Thomas Stanford Raffles, na siyang nakadiskubre ng halamang ito. Gaano kaya kaganda ang bulaklak na ito? Siguro naman ay hinding-hindi mo itong bouquet?
Pamumukadkad Ng Kagandahan Pinakamalaking Bulaklak Sa Pilipinas title=Pinakamalaking Bulaklak Sa Daigdig! style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTf-DCceVyvmbIadWJGJILZlQ5E725AgHDg9Cmd9-T9JPJmWMAiB1MiVzP9Qfw0HIsJxuo&usqp=CAU'; />
Una, dahil sa laki nito. Maaari itong lumaki ng hanggang isang metro ang diyametro – sinlaki ng gulong ng bus – at tumitimbang ito na halos labing-isang kilo. Mayroon itong limang talulot na kulay pula at tadtadngputingkulugo. Ang pinaka gitna ng bulaklak ay parang palayok na nakapaglalaman ng hanggang anim na litro ng tubig.
Ang Pagtuklas Sa Kagandahan Ng Pilipinas
Ikalawa, dahil sa amoy nito. Sa isang paglalarawan, ang rafflesia ay amoy “bulok na bangkay ng bupalo”. Ang langaw ay kumakain ng nabubulok na bagay ang pangunahing tagapagdal ang polen nito dahil gustong-gusto nito ang mabahong amoy ng rafflesia.
Ang rafflesia ay walang tangkay ,dahon o ugat. Isa itong parasite ng ilang uri ng halamang baging sa sahig ng kagubatan. Kapag sumibol ang buko ng rafflesia, aabutin ng sampung buwan bago ito lumaki ng husto.Pero ang kakaiba ng ganda ng bulaklak naito ay hindi nagtatagal. Pagkalaanlan ng ilang araw, magsisimula na itong mabulok at nag-iiwan nalang ng isang maitim at malagkit na kimpal.
Ngunit ang pambihirang Rafflesia Arnoldii na ito ay nanganganib na ring maubos. Kinukuha ang mga ito para gawing pagkain o tradisyunal na gamot. Malapit ng mabuos dahil sa pa tuloy na pagsira sa mauling kagubatan kung saan ito naninirahan.
Nlp Digital Collection Itemp35
Posted on October 22, 2012, in Feature and tagged 2012, Ang Calumpang, bulaklak, Calumpang National High School, Campus, cnhs, feature, Journalism, Juve Baltazar, Laathalain, Laguna, LSSPAA, Nagcarlan, Rafflesia Arnoldii, The Achievers. Bookmark the permalink. 2 Comments.MATAGAL NANG DAPAT sipatin at titigan ang “Kagandahan” upang mahango ito mula sa nagkakatulong at nakapipinsalang mga popular at akademikong haka’t pagtanaw na itinanim at nilinang ng ating nakasulat na kasaysayan. Isinusulat ko ngayon ang “Kagandahan” nang may malaking titik at nakapaloob sa panipi upang ipahiwatig ang aking pagtuturing dito ngayon bílang problema sa pagtitig at ibukod ito sa kagandahan ng pakahulugang pambalana sa katangiang ito. Sinasabi nating “magandang bulaklak” o “magandang damit” at sa paraang tila alam na ng lahat ang kagandahang nais nating tukuyin. Sinasabi rin nating masyadong maurirat ang sinumang magtatanong pa kung bakit maganda ang bulaklak at ano ang maganda sa damit. At totoo naman, sa paglakad ng panahon, may nabuo na táyong mga pagkakaisa sa katangiang tinatawag nating kagandahan. Isang katangiang tunay namang taglay ng maraming bagay sa ating paligid, ang katangian ng buwan, bukirin, busáy, atbpang itinatangi nating aspekto ng kalikásan o sa maraming ginawa ng tao (bahay, bangka, tabak, lambat, sombrero, atbp, bukod sa damit) at binibigyan ng ganitong uri ng pagpapahalaga.
Ngunit wika ko, “sa paglakad ng panahon, ” at taglay ng parirala ko ang isang panukala na bunga ng kasaysayan ang anumang pamantayan natin ng kagandahan. Ang ibig sabihin, at bílang bahagi ng bokabularyong pangkultura (o wikang pangkalinangan, para higit na luminaw ang ninanais kong koneksiyon), “nilinang” ito at produkto ng pinagdaanang mga karanasan ng isang pangkat ng tao. Na maaaring nagkakaisa o napagkakaisahang pamantayan sa loob ng isang maliit na komunidad ngunit mahirap maganap sa isang bansang tulad ng Filipinas na may iba’t ibang pangkating pangkultura. Panahon pa ng Amerikano ipinahayag na pambansang bulaklak ang sampagita ngunit may mga nagmumungkahi hanggang ngayon na ilang-ilang ang higit na karapat-dapat. Masisira ang kredibilidad ng lupon ng inampalan kung isang Tiboli o isang Ilokano ang nakaupô sa isang paligsahan kung alin ang mas magandang damit sa tinalak o sa inabel. Lalong malaking sakít ng ulo ang pagtukoy sa “Kagandahan” ng isang tula, pintura, eskultura, o anumang tinatawag na likhang-sining, at siyá kong nais pagtuunan ng pagsipat at pagtitig.

Sa dakong ito pa lámang ay ninanais ko nang ipanukala ang “Kagandahan” bílang isang pangngalan/pang-uri sa isang natatanging likha ng tao at itinatangi alinsunod sa gayong pamantayan. Sa kabilâng dako, ninanais ko ring ipanukala na bunga ng ating kasaysayang pambansa ay hindi umiiral ang gayong pamantayan sa paraang pambansa, at lalo na sa maituturing na uri ng lumaganap at popular na pagpapahalaga sa “Kagandahan.” Kaugnay ng naturang panukala ay hindi ko naman ninanais igiit lámang ang guwang sa panlasa ng isang edukado titser at ng isang tindero ng taho. Totoong kagyat mamamangha ang isang barbero kapag ipinagparangalan ng isang art critic ang kagandahan ng pintura ni Ang Kiukok. Subalit hindi ito simpleng pagkakahating “burges/masa” sa ating lipunan. May art critic na magpapahayag ng higit na kagandahan ng Fernando Amorsolo kaysa Ang Kiukok. Subalit hindi rin ito basta pagkakaiba ng “paaralang pangkagandahan” sa sining. Huwag nating lubusang isisi sa kamangmangan ng barbero ang ating sarili’t napag-aralang kamangmangan. “Nilinang” din ng ating edukasyon sa sining kahit ang mga naturang paraan ng paglutas sa nagtutunggaling pagpapahalaga sa “Kagandahan.” Samantala, malaki ang posibilidad na may iba pang isyu’t kontrobersiyang pansining ang nananatiling nakalutang sa ating isip dahil na rin sa malabò at paimbabaw nating pagtitig sa “Kagandahan” at sa higit nating pagsisikap na ituring ito nang hiwalay sa totoo at mabuti.
Kagubatan Sa Belgium, Naging 'enchanted Forest' Dahil Sa Pamumukadkad Ng Bluebells
Bukod pa, ninanais kong buklatin ang pangyayari kung bakit ang lumaganap na pagpapahalaga sa “Kagandahan” ay ginagamit nang waring naganap na: isang pangyayaring historikal, ngunit walang pinagdaanang kasaysayan kayâ naipatuturing na bahagi ng kalikásan kung hindi man katutubo sa ating wika, at kayâ unibersal. Na siyá ring ibinabalik na katwiran upang ipaliwanag ang kaganapan-sa-sarili ng “Kagandahan, ” ang ibig sabihin, katutubo ito at unibersal kayâ hindi nangangailangan ng kasaysayan. Sapagkat higit na nakairal ang pangyayaring ito sa sapin o bahaging popular ng ating pambansang kamalayan, ninanais kong gamiting ehemplo ang pormasyon ng naturang hubog ng “Kagandahan” sa isip ng madla samantalang binubuklat at inuusisa ang mga yugto ng pormasyon sa pamamagitan ng teksto’t pangyayaring pampanitikan.

Matagal nang ipinahayag na hindi unibersal ang “Kagandahan.” Iba ito halimbawa sa beautiful ng Ingles at sa belleza ng Espanyol. Bagaman, dahil sa kasaysayan, lalo na dahil sa ating kasaysayang kolonyal, marami nang katangian ng belleza at beautiful ang napasanib sa popular at akademikong paghaka ngayon ng “Kagandahan.” Hindi rin dapat kaligtaan ang mga di-akalaing pagkakahawig ng katutubo sa “Kagandahan” at ng ipinalalagay ding katutubo sa ganitong dalumat sa ibang bansa o ibang panig ng mundo. Isasaalang-alang ang ganitong pangyayari: Hindi naman sinabi ng mga misyonero na di-maganda ang mga likha ng ating mga ninuno. Idineklara lámang nilá itong mga “likha ng demonyo” ngunit waring itinuring ng mga binyagang Indio na hindi nga maganda ang sining ng pag-ukit ng mga sinaunang bathala’t diwata. Dahil sa bago niláng pagsampalataya, itinakwil ng mga binyagang Indio kung hindi man kinalimutan (o ipinalimot?) ang kanilang nagisnang sining. Naglaho ang kung anuman iyong katutubong sining ng pag-ukit ng mga binyagang Indio at nabalutan/napailalim sa isinaping sining na Kristiyano. Ang sining ng maganda’t Kristiyano, siyempre, ang malimit na nakakaengkuwentro ngayon ng mga antropologo sa mga pook ng binyagang Kristiyano. Matagal nang trabaho ng antropolohiya ang pagtukoy sa mga sangkap na pandaigdigan ng sangkatauhan. Ngunit higit na nahuhulog ang mga paghukay na antropolohiko sa mga tagpo ng pagsasanga bago matagpuan ang simula, sa mga paghihidwa nang hindi matunton ang unang sanhi, sa mga kopya’t inobasyon bago ang nag-iisa’t hakang Uliran, sa mga bakás palayô sa unang hakbang, kung bagá, sa dalampasigan ng isda ni Darwin.
Ngunit Pagsampalataya din ang ugat ng “Kagandahan” bílang unibersal. Sang-ayon sa mga mito, bahagi ito ng santinakpang nilikha ng isang Panginoong Maykapal. Katutubo din at matalik na bahagi ito ng lahat ng bagay na bunga ng Dakilang Paglikha at kayâ maaaring tukuyin alinsunod sa ikinalulugod na katangian ng Kalikásang Pandaigdig. Gayunman, ang kasaysayan ng Pagsampalataya ang siyá ring patnubay sa naging pagpangitain sa “Kagandahan.” Bawat Pagsampalataya ay nag-iwan ng hubog at paglalarawan sa ulirang “Kagandahan”—kani-kaniya, iba-iba—at maituturing ngayong dokumentasyon sa pagiging di-unibersal ng pagpangitain sa “Kagandahan” ng iba-ibang Pagsampalataya.

Pinakamalaking Bulaklak Sa Daigdig!
ANG PARAAN NG PAGTUKOY sa “Kagandahan” alinsunod sa naging mga dominanteng Pagsampalatayang Kanluranin, sa kasawiang-palad, ang pinairal sa atin ng ating kasaysayang kolonyal at naging matingkad na bahagi ng ating popular na kamalayan. Kayâ naging popular na hambingan natin ng “maganda” si Venus ng mitolohiyang Griyego-Romano o si Birheng Maria ng Kristiyanismo. Dahil sa pagsamba, o dahil sa lubos na pagtitiwala sa edukasyong Kanluranin, ni hindi natin inusisa ang kronolohiya ng pagpangitain kay Venus at kay Birheng Maria, gaya ng dapat inunawa nating epekto ng pagwasak sa poleteistikong pagsampalatayang Griyego-Romano ng monoteistikong relihiyong Kristiyano, upang maigawa ng magkabukod na dambana sina Venus at Birheng Maria. Sa mga edukado ngayon, maaaring maipahiwatig ang pagkakaiba sa lastag na pag-imahen sa kapanganakan ni Venus sa ibabaw ng kabibe at sa nakabálot sa saplot na Inmaculada Concepcion. Ngunit sa karaniwang makata sa panahon ng awit, korido, at komedya, ang bawat butihing prinsesa ay maaaring ihambing nang magkasabay kay Venus at kay Birheng Maria. Sa Florante at Laura, halimbawa, si Laura ang epitome ng “Kagandahan” alinsunod sa pagtanaw at pagpapahalaga ni Florante. Nang unang mamalas ni Florante si Laura, inilarawan niya ang prinsesa ng Albania sa ganitong paraan:
Dapat nating ipagpalagay na isang Kristiyano si Florante. Ngunit dapat din nating ipagpalagay

Walang komento