We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing, to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.
Ang hyperacidity o dyspepsia ay isang pangkaraniwang kondisyon na kadalasan ay tinatawag na indigestion. Ito ay isang uri ng sakit na dulot ng labis na dami ng stomach acid o asido, na siyang nagdudulot ng iritasyon sa tiyan o lalamunan. Dahil ang hyperacidity o dyspepsia ay isang pagkaraniwang kondisyon, hindi ito mapanganib, maliban nalang kung ito ay isang sintomas ng isang malubhang karamdaman.
Malusog Na Pamumuhay title=Pagkain Para Sa Acid Reflux: Mga Tips Para Sa May GERD style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRWANGk2mDwt9vFsPuZKmgL6bnxIYXvsb6UZpw0HaOy9HnRU3sZFmpmu-HB-CxfUYdxvU8&usqp=CAU'; />
Ang hyperacidity o dypepsia ay kadalasan na napagkakamalang ordinaryong stomach ache o pananakit ng tiyan. Ang pinagkaiba ng ang sakit ng tiyan sa hyperacidity o dyspepsia ay kadalasang may kaakibat na iba pang sintomas ang hyperacidity o dyspepsia katulad ng:
Acid Reflux, Heartburn At Gerd: Ano Ang Pagkakaiba?
Ayon sa mga eksperto, ang pagiging overweight o obese ay ilan sa mga pangunahing sanhi ng hyperacidity o dyspepsia, kaya importante ang pag-ehersisyo at pagbantay sa mga kinakain. Samakatuwid, kailangan umiwas kumain ng sobra sobra. At maliban dito, iwasan ang mga labis na maalat, maanghang at maasim na pagkain dahil nakakadagdag ito sa gastric acid o asido sa tiyan. Ang mga sumusunod ay limang pagkain na kailangan iwasan kung ikaw ay mayroong hyperacidity o dyspepsia:
Ang fried food o mga piniritong pagkain ay mataas sa trans-fat, kaya mas mahirap itong i-digest o matunaw. Bukod dito, ang mga pagkaing ito ay mabigat sa tiyan, at pinapabagal nito ang proseso ng pagtunaw ng pagkain sa katawan, na siyang nagdudulot sa labis na asido sa tiyan. Ang fried fats naman ay kadalasan naiiwan sa tiyan ng mas matagal na nagdudulot ng pressure sa tiyan.
Normal sa mga Pilipino na magkaroon ng hilig sa mga matatamis na pagkain, subalit ang desserts na high in artificial sugar at preservatives ay maaaring magdulot ng hyperacidty o dyspepsia. Ayon sa mga eksperto, ang artificial sugar at preservatives ay isa sa mga pinaka-acidic na pagkain, kung kaya’t kailangan iwasan ang mga pagkain na mayroon nito. Kung nais niyong kumain ng desserts, mas mainam na gawin ito para nababantayan o na-cocontrol ang mga sangkap nito.
Pagkaing Pampatalino Para Sa Buntis
Kahit sino man sa mundong ito ay sasang-ayon na ang pag-inom ng kape sa umaga ay normal na routine, subalit ayon sa mga pag-aaral, ang caffiene sa kape ay nagdudulot ng hyperacidity o dyspepsia. Kung ikaw ay mayroong hyperacidity o dyspepsia, sa halip na uminom ng normal na kape, ugaliin na uminom ng decaffienated coffee para maka-iwas sa acid reflux. Kung nais naman iwasan magkaroon ng hyperacidity o dyspepsia, limitahin ang pag-inom ng kape.
Ang pag-inom ng carbonated drinks kagaya ng softdrinks ay nagpapataas ng acid response. At dahil mataas din ang artificial sugar content nito, kailangan itong iwasan. Importante din na iwasan ang mga citric fruit juices kagaya ng orange juice dahil nakakasama din ito para sa may mga hyperacidity o dyspepsia. Sa halip na uminom nito, payo ng mga eksperto na uminom ng tubig.
Ang meat ay mas mahirap i-digest kumpara sa vegetables, kung kaya’t nakakasama ito sa mga taong mayroong hyperacidity o dyspepsia. Subalit, ang mga karne na low in fat kagaya ng turkey, lean chicken and fish ay mas madaling i-digest kumpara sa pork at beef. Bagaman may mga alternatibong karne na mas madaling i-digest, payo ng mga eksperto na limitahin ito ng 2-3 beses sa isang linggo at damihan ang intake ng raw fruits at vegetables.
Mga Dapat Kainin Ng Taong Mataas Ang Uric Acid
Maliban sa pag-iwas sa mga pagkain na ito, may iba pang mga paraan para maiwasan ang hyperacidity o dypepsia. Ito ay ilan sa karagdagan na mga bagay na maaaring gawin upang maiwasan ito:
Simple lang ang mga kailangan gawin upang maka-iwas sa hyperacidity o dyspepsia, kailangan lang ng disiplina upang magawa ito. Para hindi mahirapan, maaaring gawin ang mga ito, one step at a time.BMI Calculator Alamin ang iyong Body Mass Index (BMI) gamit ang tool na ito.See MoreBMR Calculator Sukatin ang iyong Basal Metabolic Rate (BMR) gamit ang mga katangian ng iyong katawan.See MorePrediabetes Risk Screener See More
DrewPregnancy•2 yearsIngat mga moms. If you think you are experiencing depression, ...Diabetes•a yearPagkain para sa Gestational Diabetes: Heto ang Dapat mong KaininLanie SeneraParenting•a yearLahat ba ng buntis ay dapat magpa BPS ultrasound? Diabetes•a yearMaagang Sintomas Ng Diabetes Na Dapat Mong Malaman
Papaya: Mga Nakakabilib Na Health Benefits. Alamin!
F.E.U. - Nicanor Reyes Medical Foundation Medical Center The Institute of Medicine, in fact, was an idea conceived as early as the incorporation of Far Eastern University in 1934. Dr. Nicanor Reyes, Sr., founder and first president of FEU, dreamt of an Institute of Medicine in line with his vision of building up FEU, already a pioneer in progressive non-sectarian education, into a school dedicated to help in nation-building in as many areas of service as possible.See MoreEast Avenue Medical Center The East Avenue Medical Center is a 600-bed, tertiary, general hospital under the Department of Health.See MoreLung Center of the Philippines The Lung Center of the Philippines was established through Presidential Decree No. 1823 on January 16, 1981 to provide the Filipino people state-of-the-art specialized care for lung and other chest diseases.See More
May nagsabi na ba sa iyong mag-ingat sa pagkain ng dagdag na serving ng pinya at nagsabing masyado silang acidic? O hindi kaya, nakakita ka na ng nagsusuka dahil kumain sila ng mga pagkaing mataas ang acidity. Nakaaapekto ba talaga ang mga pagkain sa pH level ng katawan? At higit sa lahat, dapat ba nating iwasan ang pagkain na bawal sa acidic? Alamin dito.

Tinutukoy ng pH level na may value mula 0 hanggang 14 kung alkaline (basic) ba ang isang bagay, acidic, o neutral. Ibig sabihin hindi ito acidic o basic.
Mabisang Pagkain Para Sa Pagpapalakas Ng Immune System
Sinasabi ng pH level na 7 na neutral ang isang pagkain o substance. Tumutukoy naman sa alkalinity ang mas mataas sa 7, at nagpapakita naman ng acidity ang mas mababa sa 7.
Halimbawa, karaniwang may pH na 8.3 ang baking soda; kaya naman kapag hinalo ito sa tubig (neutral), magkakaroon ng alkaline solution. Ang suka, sa kabilang banda, acidic ito na may pH level na humigit-kumulang 2.5.
Tandaan na may sampung beses na pagkakaiba sa pagitan ng bawat value. Halimbawa: may pH na 5.0 ang corn syrup; may pH naman na 6.0 ang harina. Nangangahulugan na 10x na mas acidic ang corn syrup kaysa sa harina.
Gamot Sa Uric Acid At Iba Pang Paraan Para Mapababa Ito
Gayundin, tandaan na iba-iba ang pH level ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang dugo, halimbawa, bahagya itong alkaline, habang sobrang acidic naman ng tiyan.
Bago namin ibigay sa iyo ang listahan ng mga pagkain na bawal sa acidic, subukan muna nating sagutin ang tanong na ito: nakakaapekto ba sa katawan ang acidic na pagkain?

Nagmula sa acid-ash hypothesis ang ideya na masama para sa kalusugan ang mga acidic na pagkain. Ito ang nagsasabing habang tumutunaw ng pagkain ang katawan, nag-iiwan sila ng mga residue (tinatawag na abo o ash) na maaaring bumuo ng acid o base.
Gardening Tips Para Hindi Malanta At Dumilaw Ang Halaman Mo
Ngayon, maaaring makasira sa buto ang pagkakaroon ng sobrang acid-forming residue (karaniwan sa Western diet). Dahil kapag naging acidic ang katawan, naglalabas ang mga buto ng alkaline minerals, partikular na ng calcium.
Ang totoo, maraming paraan ang ating katawan para kontrolin ang pH balance (lalo na sa ating mga bato at baga). Higit pa rito, may maliit na ebidensya na nakakaimpluwensya ang diet sa blood pH level. Kung iisipin, hindi pa rin lumalabas na kayang protektahan kahit ng alkaline diet ang ating mga buto mula sa pagkasira.
Kung hindi gaanong nakakaapekto ang diet sa ating blood pH level, may dahilan ba para iwasan ang mga pagkain sa listahan ng mga pagkain na bawal sa acidic?
Gamot Sa Acid Reflux Ng Buntis: Ano Ang Lunas Sa Heartburn Ng Buntis
Una, kilalang nagpapalala sa mga sintomas ng gastroesophageal reflux disease (GERD) ang mga acidic na pagkain. Pangalawa, gusto natin iwasan ang diet-induced low-grade metabolic acidosis.
Nangyayari ang low-grade metabolic acidosis sa tuwing tumataas kaunti ang ating blood pH. Karaniwang hindi ito isang malaking alalahanin kung paminsan-minsan lang nangyayari. Ngunit maaaring magresulta ng kidney stones, pagkawala ng muscle mass, at pagbaba ng density ng bone mineral ang low-grade metabolic acidosis; at maaari pa itong humantong sa mga sakit tulad ng type 2 diabetes at hypertension.

Kung gusto mong iwasan ang pagkain ng mga acidic na pagkain na maaaring mag-trigger ng sintomas ng GERD o mga acid-forming na pagkain na maaaring magpapataas ng panganib mula sa low-grade metabolic acidosis, isaalang-alang ang listahang ito ng mga pagkaing may pH na mas mababa sa 4.
Ang Mga Sintomas Ng Gerd, Anu Ano Nga Ba? Alamin Dito
Kung mapapansin, marami sa mga nasa listahan ng mga pagkain na bawal sa acidic ang masustansya dahil mga prutas sila at magandang mapagkukunan ng protina. Dahil dito, maaaring hindi mabuting tuluyang umiwas sa mga ito maliban kung utos ito ng iyong doktor.
Kung sakaling may pinag-aalala tungkol sa sariling acid level, mangyaring humingi ng medical advice. Dahil maaaring nagpapahiwatig ang nararamdamang problema sa acidity sa mga isyu tungkol sa mga organ na kumokontrol dito. Partikular na sa mga baga at bato.
1) pH Values of Common Foods and Ingredients , https://www.clemson.edu/extension/food/food2market/documents/ph_of_common_foods.pdf, Accessed November 3, 2021 2) The acid-ash hypothesis revisited: a reassessment of the impact of dietary acidity on bone, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24557632/, Accessed November 3, 2021 3) Meta-analysis of the quantity of calcium excretion associated with the net acid excretion of the modern diet under the acid-ash diet hypothesis, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18842807/, Accessed November 3, 2021 4) The Alkaline Diet: Is There Evidence That an Alkaline pH Diet Benefits
Walang komento